Maute sa Marawi nasa 50 na lamang-AFP

By Justinne Punsalang October 02, 2017 - 12:14 AM

Hindi na lalampas ng 50 ang kasalukuyang bilang ng mga miyembro ng ISIS-inspired Maute group sa Marawi.

Ito ang pahayag ni Joint Task Force Ranao Deputy commander, Colonel Romeo Brawner matapos sabihin na patuloy na humihina ang depensa ng teroristang grupo.

Ngunit ayon kay Brawner, hindi ito nangangahulugan na malapit nang matapos ang krisis sa lungsod.

Samantala, nagdaos naman ng unang misa kahapon ng umaga sa Saint Mary’s Cathedral matapos itong atakihin ng teroristang grupo apat na buwan na ang nakakaraan.

Ani Brawner, humingi sila ng blessing para matapos na ang kaguluhan sa Marawi City mula kay St. Therese na siyang patron saint ng mga sundalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.