UPDATE: Higit 30 sugatan sa nahulog na bus sa SLEX-Alabang

By Kryzha Soberano October 02, 2017 - 04:09 AM

 

Courtesy: Darlene Dacillo

Nahulog ang isang bus sa northbound lane ng Alabang viaduct ng South Luzon Expressway pasado alas 6:00, Linggo ng hapon.

Sa impormasyon mula sa Manila Toll Expressway (MATES) , paakyat sa northbound lane ng Alabang viaduct ang Cher Transport Bus na may plakang TYX-504 nang mawalan ito ng control at bumagsak sa service road ng Alabang exit.

Sanhi ng aksidente, nasaktan ang nasa 31 pasahero ng bus na agad na tinulungan ng mga rescue units mula sa SLEX-Mates.

Agad ring dinala ang mga pasahero sa Ospital ng Muntinlupa para sa kaukulang lunas.
Sa kabuuang 31 nasaktan, isa ang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.

Dahil sa aksidente, ilang oras na isinara sa daloy ng trapiko ang NB lane ng Alabang exit.

Pasado alas 8:00 ng gabi nang tuluyang maalis ang naaksidenteng bus sa naturang lugar

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.