“FAKE NEWS”: ISANG PAGSUSURI sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

INQUIRER FILE PHOTO

Sa panahon ngayon, mahirap para sa simpleng mamamayan ang  pagsusuri  sa mga maiinit na balita lalo na sa pulitika. Mayroon pa ring mga taong nanonood sa TV news at nagbabasa ng mga pahayagan, pero mas nakararami ang kumukuha ngayon ng  balita at isyu sa Facebook, You tube  at blogs.Sa panahon ngayon, mahirap para sa simpleng mamamayan ang  pagsusuri  sa mga maiinit na balita lalo na sa pulitika. Mayroon pa ring mga taong nanonood sa TV news at nagbabasa ng mga pahayagan, pero mas nakararami ang kumukuha ngayon ng  balita at isyu sa Facebook, You tube  at blogs.

Nitong 2016 elections, basag ang kredibilidad ng “mainstream media” dahil mas naging epektibo ang “you tube news” na gumagamit din ng “news video” at news grafix pero ibang iba ang  anggulo sa mga  balita sa TV. Ilan dito ay “exaggerated” at di-kapanipaniwalang na mga balita na naging “viral”. Partikular na nagising sa isyu noong eleksyon ang mga OFW’s sa buong mundo na hanggang ngayon ay nagpapakita ng interes sa mga nangyayari sa bansa.
At marahil dito talaga nagkatalo ang halalan. Ang Liberal party ay nagkamali sa pag-concentrate sa “mainstream at traditional  media” at binalewala ang ginagawa ng kampo ni Duterte sa “social media” na kumunekta sa “grassroots” lalo na sa OFWS.

Tapos na ang eleksyon, 16 months nang nakaupo ang bagong administration,  at natuto na ang dalawang panig, pero baligtad na ang sitwasyon. Ang administrasyon naging oposisyon at ang oposisyon ay nasa pwesto. Tuloy pa rin ang pagkalat ng mga “viral news” sa social media. Ang mga ka-DDS , binigyan ng pwesto ng Malakanyang at “accreditation” sa mga importanteng news events. At nitong huli, aktibo na  naman ang  mga “blog”  na tumatalakay sa mga issues.  Nariyan ang “Thinking Pinoy” ni Rey Joseph Nieto, mga blogs nina Sass Rogando Sasot, at Mocha Uson na pro-Duterte.  Sa kabila ay ang kampi sa Liberal Party o oposisyon ngayon na “SilentnoMorePH”, “ChangeScamming”, “MadamClaudia” at “Pinoy Ako Blog” ni Cocoy Dayao. Mga hot issues na lumulusot pa  sa mga TV reports sa ABS-CBN at GMA7.

Sa totoo lang, kapag sinubaybayan ang magkabilang panig talagang malalaman kaagad kung sino sa dalawang panig  ang nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. Tulad noong  isyu ng AMLC report sa Ombudsman, magkaiba ang paliwanag. Ganoon din sa Senate resolution sa extra judicial killings kung saan pitong Senador ang kinastigo dahil  hindi raw pumabor. Makikita rin ang mga “timing” at “agenda” ng nasabing  mga blogs para  pag-usapan sila ng taumbayan.  Ika nga “war on perceptions”.

Pero sa totoo lang, ang mga blogs na ito’y  may kanya-kanyang “loyal audience” na hindi magpapatalo. Siyempre, iyong  ka-DDS ay “solid” ang “messaging” sa masa at OFW lalo pa’t sila ang nasa gobyerno. Ganoon din ang  pro-Liberal party na bloggers dahil ang audience nila ay mga nakaririwasa sa buhay, academe, aktibista  at simbahan. Idagdag pa rito ang dati na nilang kakampi na “mainstream media” sa television radio at print media, talagang napakalakas ng kanilang messaging.

Kaya lamang ang nakaraang pagkilos ng oposisyon  ay walang “critical mass” ng sambayanang Pilipino, walang“mass swelling of support” at “public outrage” kahit bugbog ang plugging at coverage sa telebisyon. Sabi nga ng mga political analysts, nag-iba na ngayon ang masa, hindi na tulad noon na sakay ng sakay sa isyu.
Kabisado, at mulat na mulat na ba ang taumbayan sa FAKE NEWS ng mga blogs at “mainstream media”?

Read more...