Brgy. at SK elections, tuloy hangga’t walang napipirmahang batas sa pagpapaliban nito
Hangga’t walang napipirmahang batas na magpapaliban, tuloy pa rin ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa October 23.
Ayon kay Commission on Elections spokesman James Jimenez, nasa limampung milyong balota na gagamitin para sa halalan ang nakahanda nang i-deliver.
Magsisimula na rin aniya sa October 5 ang filing ng certificate of candidacy (COC) at matatapos naman ito sa October 11.
Sinabi ni Jimenez na dapat ay mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas para sa postponement ng Brgy at SK elections bago ang pagsisimula ng filing COC.
Magkakaproblema aniya ang mga kandidato na makapaghahain na ng certificate of candidacy kung sakaling biglang mapirmahan ang panukalang batas at suspindehin ang eleksyon.
Paliwanag ni Jimenez, automatically deemed resigned na o mawawalan na ng trabaho ang mga nagpa-planong tumakbo na nakapaghain na ng COC at hindi na rin sila maituturing na kandidato kapag biglang sinuspinde ang halalan.
Samantala, sinimulan na ng Philippine National Police ang pagse-setup sa ipinatupad na nationwide checkpoint ng Comelec.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.