Pagbabawal sa mga puno at iba pang harang sa poste ng kuryente, aprubado na sa Kongreso
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na nagbabawal sa mga puno at iba pang posibleng humarang sa mga poste ng kuryente.
Sa ilalim ng House Bill 6276, nakasaad na ang mga ‘tall growing plants’ ay hindi maaaring humarang sa right-of-way ng mga poste ng kuryente upang masigurado ang patuloy na daloy ng kuryente para sa mga residente sa lugar.
Ipinagbabawal rin sa ilalim ng naturang House Bill ang pagtatayo ng mga ‘hazardous structures’ malapit sa mga poste ng kuryente, maging sa mga pasilidad na nakalaan para sa daloy ng kuryente.
Ibig sabihin, magiging labag na sa batas ang pagpapatubo ng mga matatayog na halaman o puno sa mga lugar na katabi at malapit sa mga poste ng kuryente.
Labag rin sa batas hindi pagputol sa mga matataas na halaman at puno, maging ang hindi pag-giba sa mga itinuturing na ‘hazardous structures.’
Ang mapapatunayang lalabag sa naturang panukala ay pagmumultahin ng hindi bababa sa dalawampung libong piso, hanggang sa hindi tataas sa isandaang libong piso.
Maaari ring makulong ang lalabag sa panukala sa loob ng isa hanggang tatlumpung araw o hanggang sa anim na taon.
Ang naturang House Bill ay inakda ni 1-CARE Partylist Representative Carlos Roman Uybarreta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.