Pagkakaluklok sa bagong SBMA chair, hindi umano dahil sa political favor
Itinanggi ng bagong Subic Bay Metropolitan Authority chairman at administrator na si Wilma Eisma na kaya siya naluklok sa naturang posisyon ay dahil isa itong political favor mula sa pangulo.
Aniya, maaaring ninomina siya ni Senador Richard Gordon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit sa paniniwala niya, ‘qualified’ siya sa posisyon, kaya ito ibinigay sa kanya.
Dagdag pa ni Eisma, naniniwala siyang tinitingnan ng pangulo kung kaya bang gampanan ng isang posibleng kawani ng pamahalaan ang trabaho bago ito ibigay sa kanya.
Hindi naman itinanggi ni Eisma na ‘protege’ siya ni Gordon. Aniya, lahat ng work ethic na alam at ginagawa niya sa ngayon katulad ng attention to detail at pagiging perfectionist ay natutunan niya mismo mula sa senador.
Matatandaang sinabi ni dating SBMA Chair Martin Diño na ang petisyon umano ng mga residente ng lugar na maalis siya sa pwesto ay dahil sa pag-uudyok ni Eisma, na madalas nakakatalo ni Diño tungkol sa ilang mga operational decisions ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.