Blue Eagles, nadagit ang ikaanim na sunod-sunod na panalo

Photo: INQUIRER.net/ Tristan Tamayo

Nananatiling “undefeated” ang Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament matapos talunin ang National University sa iskor na 96-83 sa kanilang paghaharap sa Arante Coliseum kagabi.

Ito na ang season-high record ng Ateneo at napanatili ang top spot sa eigh-team ladder ng torneo sa iskor na 6-0.

Samantala, laglag naman ang Bulldogs sa 2-4 card at nagtamo ng tatlong sunod na pagkatalo.

Nanguna si Chiz Ikeh na nagtala ng 18 points at 7 rebounds para sa Blue Eagles.

Samantala, career-high naman ang nairehistro ni Vince Tolentino sa kanyang 15 points.

Ayon kay Ateneo head coach Sandy Arespacochaga, alam nilang magiging mahirap ang kanilang laban kontra NU ngunit sadyang napaganda lang nila ang kanilang depensa sa huling bahagi.

Inaasahan namang magiging mainit ang sagupaan sa court ng Ateneo laban sa La Salle.

Ani Arespacochaga, ilalaan nila ang natitirang isang buong linggo upang paghandaan ang laban sa Green Archers.

Read more...