Dose-anyos na batang lalaki, patay sa landslide

By Rhommel Balasbas October 01, 2017 - 03:27 AM

Patay ang isang dose-anyos na batang lalaki habang sugatan ang lolo at lola nito matapos ang pagguho ng lupa sa Cebu City.

Natutulog ang biktima sa sala ng bahay na inuupahan ng kanyang lolo at lola sa Purok 3, Barangay San Jose sa naturang bayan nang bumagsak ang isang malaking tipak ng bato.

Kinilala ang bata na si Kyle Ashley Barcoso, isang grade 5 student.

Tumagal ng higit isang oras bago narekober ang katawan ng biktima.

Isinugod ito sa Cebu Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, dinala rin sa nasabing ospital ang kanyang lolo at lola na nagtamo rin ng injuries.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.