Isang empleyado ng MICP at dalawang pekeng empleyado, arestado sa pangingikil

Timbog ang isang empleyado ng Manila International Container Port o MICP at dalawang sinasabing pekeng empleyado dahil sa pangingikil.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Allan Pagkalinawan, isang security guard ng MICP, at ang pamangkin na si Brian John Cruz, at isang anak ng customs police na si Efren Jaramilla.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña, dapat ay hindi lalagpas sa dalawamput limang segundo ang pag-iinspeksyon sa mga truck sa MICP, ngunit tumagal ang ginawang pag-iinspeksyon ng mga suspek sa isang oras.

Ang modus ng mga suspek, hihingan nila ng pera ang truck operator para bumilis ang proseso.

Nang mahuli ang tatlo, nakuha mula sa kanila ang pinagsama-samang pera na aabot sa P22,000.00.

Itinanggi naman ng mga suspek ang tungkol sa pangingikil.

Ayon kay Pagkalinawan, ticket pass lamang ang inaabot niya sa truck operator at tinutulungan naman siya ni Cruz dahil may sakit umano siyang diabetes.

Dagdag pa ni Pagkalinawan, nagtatraffic naman sa MICP si Jaramilla at aniya, hindi ito nanghihingi ng pera.

 

Read more...