500 drug surrenderees, natapos ang anti-drug use program ng QC local government

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 03:09 AM

Nasa 500 dating mga gumagamit ng iligal na droga ang matagumpay na natapos ang programa na anti-drug use ng lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon.

Sumailalim ang mga naturang drug surrenderees sa sa ilang buwan ng extensive psychosocial at physical intervention program na isinagawa ng Anti-Drug Abuse Council ng naturang lungsod.

Nasa ilalim ng naturang programa ang spiritual at social intervention, habang kabilang naman ang zumba sessions sa ilalim ng physical activities ng programa.

Ayon sa bise alkalde ng lungsod na si Joy Belmonte, nangangahulugang matagumpay ang paghihikayat na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga dating drug users na magbagong buhay na dahil sa patuloy na pagdami ng mga nakikiisa at tinatapos ang kanilang anti-drug use program.

Sa 142 na mga barangay sa lungsod, 19 na dito ang drug free.

Samantala, hinimok naman ni Quezon City Police District Director General Guillermo Eleazar ang mga gumagamit at lulong sa ipinagbabawal na gamot na lumapit sa mga otoridad kung tunay talaga nilang gustong magbago.

Ayon sa datos ng QCPD, nasa 38% na ang ibinaba sa crime rate sa lungsod, bunsod na rin ng kampanya ng lokal na pamahalaan ng Quezon City laban sa ilegal na droga.

TAGS: anti-drug campaign, QC VM Joy Belmonte, quezon city, anti-drug campaign, QC VM Joy Belmonte, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.