Mariel De Leon, ibinahagi ang unang pagsakay sa motorsiklo kasama si Coco Martin

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 01:28 AM

Ibinahagi ni Miss International Philippines 2017 Mariel De Leon ang kanyang unang beses na sumakay sa isang motorsiklo

Sa isang instagram post, ipinakita ng beauty queen na medyo natatakot siya dahil ito nga ang kanyang first time na sumakay sa motor.

Ngunit sa caption ng litrato ay sinabi niya na nabawasan ang kanyang takot dahil kasama naman niya ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Ang pagsakay ni De Leon sa motor kasama si martin ay bahagi ng kanilang ginagawang pelikula na “Ang Panday” na isang official entry para sa Metro Manila Film Festival 2017.

Bukod sa pagiging lead actor sa pelikula ay si Martin din ang direktor nito.

Sinasabing mismong si Martin ang lumapit sa mga magulang ni De Leon na sina Sandy Andolong at Christopher De Leon para ipagpaalam ang pagsama ng beauty queen sa pelikula.

Nangako rin umano si Martin na aalagaan niya si De Leon sa set.

Samantala, sa mga nakaraang panayam kay De Leon ay sinabi nito na bukas siya na magkaroon ng kissing scene kasama si Martin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.