Ilang mga probinsya, positibo sa red tide ayon sa BFAR

By Justinne Punsalang October 01, 2017 - 01:13 AM

FILE Photo

Pitong mga isla at ilang mga bahagi ng mga probinsyang malapit sa dagat ang idineklarang positibo sa red tide o paralytic shellfish poison ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Sa abiso na inilabas ng naturang kagawaran hindi ligtas kainin ang mga lamang dagat mula sa mga sumusunod na lugar:

– Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay at coastal waters sa Daram Island sa Western Samar

– Matarinao Bay sa Eastern Samar

– Carigara Bay sa Leyte

– Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental

– Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan

– Coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo

– Coastal waters ng Milagros at Mandaon sa Masbate.

Ang sinumang kokonsumo ng mga lamang dagat mula sa mga lugar na positibo sa red tide ay maaaring makaranas ng mga sintomas ng lagnat, pagkahilo, pagkamanhid, rashes, maging respiratory arrest.

TAGS: BFAR, red tide, BFAR, red tide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.