Relocation sites para sa mga bakwit sa Marawi, sa 2018 pa matitirhan
Bagaman sinabi na ng pamahalaan na nalalapit nang mabawi ng pwersa ng militar mula sa mga terorista ang lungsod ng Marawi, hindi pa naman magiging handa ang mga relocation sites agad-agad.
Ayon sa Chief Building Permit Officer ng City Engineering Office ng Marawi na si Mohammad Mustafa, kakailanganin pa munang manatili ng mga bakwit sa mga evacuation centers dahil sa ngayon ay wala pang kahit isang unit sa temporary relocation area sa Barangay Sagonsongan na nakukumpleto.
Aniya, sa katunayan ay ang ground work para sa target na 7,500 temporary shelters ay sinimulan lamang noong September 8.
Sa pagtataya ni Mustafa, ang unang 1,100 units ay mabubuo bago matapos ang taon at maaari nang tirhan sa January 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.