2018 Palarong Pambansa gaganapin sa Ilocos Sur

By Alvin Barcelona September 30, 2017 - 05:50 PM

Inquirer photo

Ang lalawigan ng Ilocos Sur ang napililng host ng Palarong Pambansa sa taong 2018.

Ito ay nakaraang maungusan ng lalawigan ang iba pang local government units na nag-bid para sa taunang sports event kabilang ang Marikina City, Baguio City, Benguet, Bulacan at Ilagan City, Isabela.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, bagaman dikit ang score ng mga bidder ay lumamang ang Ilocos Sur dahil sa inilatag nitong “better package”.

Ang mga LGU bidders ay kinilatis base sa kanilang kahandaan at kumpletong sports facilities at kung pasado ito sa international standard.

Ikinunsidera din ang distansya ng mga venue sa tinutuluyan ng mga atleta, ang peace and order sa lugar at ang suporta ng mga local officials at iba pang stakeholder sa lokalidad.

Sinabi ni Briones na isa rin sa nagustuhan nila sa bid ng Ilocos Sur ay ang pangako nito na gagawing kakaiba ang pagdaraos ng Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Sinabi naman ni DepEd Usec. Tonisito Umali na kasabay ng Palarong Pambansa sa susunod na taon ay ang centennial celebration ng lalawigan ng Ilocos Sur.

TAGS: briones, deped, Ilocos Sur, palarong pambansa, briones, deped, Ilocos Sur, palarong pambansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.