PDEA pabor sa legalisasyon ng marijuana “for medical purposes”

Inquirer photo

Suportado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang panukalang batas tungkol sa “compasionate use of marijuana” para sa medikal na kadahilanan.

Inihayag ito ni PDEA Director General Aaron N. Aquino matapos na aprubahan ng House Commitee on Health ang House Bill No.180, o “An Act Providing Compassionate and Right of Access to Medical Cannabis and Expanding Research Into Its Medicinal Properties,” na inakda ni Isabela Representative Rodolfo Albano III.

Kinikilala aniya nila ang pangangailanhan ng mga pasyente para sa ligtas na makukuhanan ng murang marijuana na inirereseta ng mga doktor para sa ilang malalang sakit.

Gayunman, may ilan aniya silang rekomendasyon para mapaganda ang nasabing panukala kabilang pagsasaligal lamang nh mga naka kapsula o naka-tabletang medical component ng marijuana o cannabis imbes na dahon mismo ng marijuana.

Dapat din aniyang linawin sa panukala na ang pagtatanim, posession, paggamit, pagbebenta, pamamahagi at transportasyon ng cannabis na hindi naaayon sa panukala ay ituturing na paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kailangan aniya na may mga control measure at regulation sa paggamit ng cannabis sa medisina para masiguro ang kaligtasan ng pasyente at maiwasan ang paggamit nito sa recreational drug.

Read more...