U.S health secretary nagbitiw sa pwesto dahil sa pressure ni Trump

By Den Macaranas September 30, 2017 - 03:26 PM

AP

Nagbitiw na sa kanyang pwesto si U.S Health and Human Services Sec. Tom Price sa gitna ng iskandalo kaugnay sa pag-gamit niya ng private planes at chartered  flights sa pag-iikot niya sa loob ng U.S at labas ng bansa.

Nauna nang isinailalim sa imbestigasyon ng inspector general si Price dahil sa madalas na paggamit ng mga pribadong eroplano kahit sa mga rutang pwede namang gamitan ng mga kotse.

Sinasabi sa ulat na hindi nagustuhan ni U.S President Donald Trump ang pagiging maluho sa mga byahe ni Price.

“I was disappointed because I didn’t like it, cosmetically or otherwise. I was disappointed,” ayon kay Trump.

Hindi rin nagustuhan ng U.S president ang alok ng kalihim na bahagi na lamang ng kanyang gastos sa aviation cost ang sisingilin sa pamahalaan at siya na ang bahalang magbayad sa natitirang mga gastusin.

Ipinaliwanag ni Trump na taliwas ito sa cast saving measures ng kanyang administrasyon.

Sa nakalipas na walong buwan ng administrasyon ni Trump ay marami na sa kanyang mga miyembro ng gabinete ang inalis o nagbitiw sa pwesto dahil sa iba’t ibang mga dahilan.

Kabilang na dito ang kanyang dating national security adviser, press secretary, communications director, chief strategist, acting attorney general at FBI director.

Sinabi naman ng ilang White House insiders na matagal nang gustong palitan ni Trump ang kanyang health secretary dahil sa matamlay na kampanya kontra sa Affordable Health Act na pinagtibay noong nakalipas na Obama administration.

TAGS: health secretary, obama care, private planes, tom price, trumph, health secretary, obama care, private planes, tom price, trumph

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.