U.S President Donald Trump darating sa bansa

By Den Macaranas September 30, 2017 - 12:46 PM

Tuloy na ang pagbisita sa bansa ni U.S President Donald Trump sa buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na handa ang pangulo na tanggapin sa bansa si Trump.

Ang lider ng U.S ay kabilang sa mga world leaders na dadalo sa Association of Southeast Asian Nations – East Asian Summit na gagawin sa bansa sa November 13 hanggang 15.

Bukod sa mahigpit na seguridad, sinabi ng Malacañang na nais ng pangulo na iparamdam sa mga bibisitang state heads ang ipinagmamalaking Fililino hospitality ng bansa.

Sinabi rin ni Abella na nakahanda nang ilatag ng Pilipinas sa mga world leaders na dadalo ang mga economic plans ng administrasyong Duterte partikular na sa pag-iimbita ng mga foreign investors.

TAGS: abella, Asean summit, duterte, trump, U.S, abella, Asean summit, duterte, trump, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.