Matatandaang kahapon lang ay sinabi ng pangulo na bago pa man pumirma si Trillanes ng bank secrecy waiver, ay ipinasara na nito ang kaniyang mga bank accounts sa Singapore.
Ayon pa kay Trillanes, handa siyang muling lumagda ng waivers para sa mga sinasabi ng pangulo na bagong accounts niya.
Halata naman aniya na ito’y isang diversion lamang ng pangulo mula sa bilyong pisong halaga ng mga bank accounts ni Duterte na nadiskubre ng Office of the Ombudsman.
Ani Trillanes, sa Lunes pa lang ay pipirma na siya ng waivers upang agad na masiyasat ito ng Anti-Money Laundering Council.
Hamon ni Trillanes sa pangulo, magpakalalaki ito at pumirma na rin ng waivers.