Ombudsman kay Duterte: Kung wala kang itinatago, wala kang dapat ikatakot
Hindi papasindak kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of the Ombudsman.
Ito ang inihayag ng Ombudsman sa inilabas na statement bilang tugon sa banta ng pangulo na bubuo ng komisyon ang Malakanyang para imbestigasyon ang korapsyon sa ahensya.
“Sorry, Mr. President, but this Office shall not be intimidated,” ayon sa pahayag.
Sa isang pahayag, sinabi ng Ombudman na sa kabila sa plano ng pangulo ay tuloy ang kanilang gagawing imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa kaniya dahil ito ay mandato nila sa ilalim ng Konstitusyon.
Welcome pa rin aniya sa kanila ang hakbangin ni pangulo dahil bukas sila sa paglilinis sa kanilang hanay
Sa kabila naman ng pagtanggi ng anti-money laundering council, nanindigan ang Ombudman sa kanilang salita tungkol sa mga dokumentong hawak nila tungkol sa bank account ng pangulo.
Sa huli, kung wala umanong itinatago si Pangulong Duterte ay wala itong dapat na ikatakot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.