Peace talks sa CPP-NPA-NDF, tablado na ayon kay Pangulong Duterte
Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin pa sa Norway sina Government Chief Negotiator Silvestre Bello at Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza para ituloy ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Paliwanag ng pangulo, gastos lamang ang pakikipag-usap sa komunistang grupo at pag-aaksaya lamang sa pera ng bayan.
Bukod dito, sinabi ng pangulo na tiyak na wala rin namang mangyayari sa pakikipag-usap sa makakaliwang grupo.
Matatandaang una nang kinansela ng pangulo ang alok na usaping pangkapayapaan matapos ipag-utos ng liderato ng makakaliwang grupo na paigtingin pa ang opensiba laban sa gobyerno.
Ang Norway ang nagsisilbing third party facilitator sa peace talks ng dalawang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.