Ralph Trangia isa sa suspek sa frat hazing slay case at nanay nito tinutugis na sa Amerika

By Jan Escosio September 29, 2017 - 06:57 PM

Sinimulan nang tugisin ng interpol sa Amerika ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay kay 1st year law student Horacio Castillo III.

Ito ang sinabi ni MPD Director Chief Supt Joel Coronel.

Ayon sa opisyal tinutunton na sa US si Ralph Trangia pati na ang ina nitong si Rosemarie.

Magugunita na isang araw matapos namatay si Castillo agad lumipad ang mag inang Trangia patungo sa Amerika.

Dagdag pa ni Coronel tinatapos na lang nila ang final report hinggil sa kaso na kabilang sa isusumite nila sa Department Of Foreign Affairs (DFA) sa paghiling nila na kanselahin ang pasaporte ng mag-inang Trangia.

Paliwanag nito na kapag nakansela ang passports ng mag-ina ay magiging undocumented alien na sila at mapapabilis ang pag papadeport sa kanila pabalik ng bansa.

Banggit pa ni Coronel na tiwala siya na matutunton agad ang mag inang Trangia sa US dahil sa pinahigpit na Immigration rules ni Pangulong Donald Trump.

TAGS: DFA, MPD Director Chief Supt Joel Coronel, Ralph Trangia, Rosemarie Trangia, US Immigration rules, US President Donald Trump, DFA, MPD Director Chief Supt Joel Coronel, Ralph Trangia, Rosemarie Trangia, US Immigration rules, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.