Transition team ng MRT, naghahanda na sa sakaling makansela ang kontrata ng BURI
Bumubuo na ng transition committee ang pamunuan ng MRT 3 para sa pagsasalin ng pamamahala sa maitenance ng mga tren.
Ito’y kasunod na rin ng nagbabadyang kanselasyon ng kontrata ng kasalukuyang maintenace provider ng MRT na Busan Universal Rail Inc. dahil sa mga sunod-sunod na aberya.
Ayon kay MRT General Manager Rudy Garcia, naghahanda na ang kanilang team sa pagsalo sa pangangalaga sa MRT oras na mangyari ito.
Transition team ng MRT, naghahanda na sa pagsalo sa pangangalaga sa mga tren sakaling makansela ang kontrata ng BURI I @dzIQ990 pic.twitter.com/CyE3a8NHCX
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) September 29, 2017
Samantala, sinabi naman ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez, na kinakilangan munang maghain ng verified complaint ang MRT sa Department of Transportation at dapat maaprubahan ito ni Sec. Arthur Tugade.
Dagdag pa ni Chavez, overwhelming ang ebidenysa ng mga kapalpakn sa BURI.
Base sa tala ng DOTr, mula January 2016 hanggang July 2017, nagkaroon na ng 3,824 train removals, 833 unloading incidents at 98 service interruptions ang MRT.
Ang pahayag ay ginawa ng mga DOTr officials sa gitna ng ground breaking ng pagtatayo ng common station ng MRT at LRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.