Dating NHA General Manager, ipinalit kay Binay sa HUDCC

By Jong Manlapaz September 09, 2015 - 11:14 AM

Chito editedSi dating National Housing Authority (NHA) general manager Atty. Chito Cruz, ang itinalagang bagong chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Pinalitan ni Cruz si Vice President Jejomar Binay na nauna nang nagbitiw sa kanyang pwesto sa HUDCC at bilang presidential adviser on OFW concerns.

Bilang HUDCC chairman, pamumunuan ni Cruz ang mga ahensyang may kinalaman sa pabahay kabilang na ang NHA na dati na niyang pinagsilbihan.

Sakop din ni Cruz ang Pag-ibig Fund, Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) at ang Home Guarantee Corporation (HGC).

Nauna nang napaulat na ang termino ng mga opisyal mula sa nasabing mga ahensya ay hindi na pinalawig ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pero ayon kay Cruz, sa ngayon wala pang opisyal na inaalis sa kanilang mga pwesto. “Ang mga opisyal po ng mga ahensyang iyan, pinag-uusapan po kung sila ay handa pang manatili sa pagsisilbi. Ang may call po kung sila ay mananatili o aalisin ay ang appointing authority at si Pangulong Aquino po iyon,” ayon kay Cruz.

Si Cruz ay pormal na nanumpa sa pwesto bilang bagong HUDCC chairman noon pang Augut 20.

TAGS: Chito Cruz as new HUDCC chair, Chito Cruz as new HUDCC chair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.