Sako-sakong barya nakuha sa mosque sa Marawi; ginagamit ng mga terorista sa paggawa ng IED
Na-recover ng mga sundalo ang anim na sako na punung-puno ng mga barya sa isa sa mga nabawing mosque mula sa mga terorista.
Nakuha ang mga sako ng barya sa Bato Mosque, ilang araw matapos itong tuluyang mabawi ng mga sundalo mula sa mga miyembro ng ISIS-inspired Maute terror group.
Ayon kay Col. Romeo Brawner ng Task Force Ranao ang mga barya kasama ang iba’t ibang uri ng metals ay isinasama ng mga terorista sa kanilang ginagawang improvised explosive devices.
Gagamitin ang Joit Task Force Force Marawi ang mga na-recover na barya bilang ebidensya.
Samantala sa pinakabagong datos mula sa Marawi, umabot na sa 736 ang bilang ng mga kalaban na napapatay habang nasa 153 naman ang nasawi sa tropa ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.