Libu-libo ang nakilahok sa isinagawang earthquake drill sa buong Bonifacio Global City sa Taguig.
Sinimulan ang drill alas 10:00 ng umaga kung saan kabilang sa scenario ang pagtama ng isang malakas na lindol na nagresulta sa pagkasugat ng ilang indibidwal.
Mabilis namang naka-responde ang mga rescue unit para malapatan ng lunas ang mga kunwaring sugatan.
Nagbabaan din sa kani-kanilang mga opisina ang mga nagtatrabaho sa BGC at naglabasan naman ang mga nasa loob ng mall.
Pinatay din pansamantala ang mga traffic light sa buong BGC.
Lumahok sa BGC-wide earthquake drill ang lahat ng kumpanya at kanilang mga empleyado at ang mga residente sa mga condominium building sa BGC.
Marami ring kalsada sa Global City ang isinara pansamantala sa kasagsagan ng drill dahil ginamit na evacuation areas.