Nakararaming Pinoy, naniniwalang pinatay ang mga drug suspect, kahit sumusuko ayon sa SWS survey
Naniniwala ang mas maraming Pilipino na may drug suspects na talagang pinatay kahit pa sumusuko na sila.
Batay sa second quarter 2017 Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula June 23 hanggang 26 at inilabas ngayong Biyernes, 63 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na may mga drug suspects na pinatay pa rin sa kabila ng pagsuko.
Nasa 30 percent ng mga respondents ang “strongly agreed” habang 32 percent ang “somewhat agreed” sa survey question na “may mga suspects sa illegal na bentahan ng droga na sumuko na pero pinatay pa.”
Nasa 17 percent naman ang undecided habang 11 percent ang somewhat disagreed at 9 tpercen ang strongly disagreed.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na proportion na 75 percent kung saan 41 percent ang strongly agreed at 34 percent ang somewhat agreed sa survey question.
Lumabas din sa SWS survey na 17 percent ng respondents ang may kilala na maling sumailalim sa Oplan Tokhang.
Una nang lumabas ang SWS survey na nagsabing karamihan ng mga Pinoy ang hindi naniniwala sa dahilan ng pulisya na nanlaban ang drug suspect kaya napatay, bagay na inalmahan ng malakanyang at PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.