Unang anibersaryo ng kamatayan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, ginunita ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2017 - 10:44 AM

PDI Photo | Jhesset Enano

Ginugunita ngayong araw ang unang anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Miram Defensor Santiago.

Maagang dumating sa kaniyang puntod sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ang mga tagasuporta ng senador, at kaniyang mga kaanak sa pangunguna ng mister na si Narcisco “Jun” Santiago at kaniyang nakababatang kapatid na sina Nenalyn Evangelista at Dr. Linn Defensor.

PDI Photo | Jhesset Enano

Dumating din sa Loyola Memoria Park si Manila Mayor Joseph Estrada, dating Senador Bongbong Marcos at si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Isang misa ang idinaos na sinundan ng mga programa gaya ng pagharana, kung saan imbitado ang ilang performers.

Ang mga dumalo sa pagtitipon ay pinagsuot ng kulay pula at nagtali rin ng pulang ribbon sa palibot ng libingan dahil ito ang paboritong kulay ng yumaong senador.

 

 

 

 

 

TAGS: first death anniversary, loyola memorial park marikina, miriam defensor santiago, Radyo Inquirer, first death anniversary, loyola memorial park marikina, miriam defensor santiago, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.