UST tatangkaing makapagtala ng rekord sa Guinness para sa “Largest Human Sentence”

PDI Photo | Marianne Bermudez

Tatangkain ng University of Santo Tomas (UST) na makapagtala ng rekord sa Guinness World Records para sa “largest human sentence”.

Labingsiyam na libong estudyante ng UST ang nagtipun-tipon sa UST grounds sa España sa Maynila para buuin ang human sentence na kanilang ipapasok sa Guinness.

Salitang “My teacher is my hero!” ang binuo ng mga estudyante.

Pawang nakasuot ng kulay itim na T-shirt ang mga lumahok na mag-aaral.

Maliban sa tangkang makapasok sa Guinness, ang aktibidad ay bahagi din ng pagkilala sa mga guro sa pagdiriwang ng National Teacher’s month.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...