Lokal na pamahaalaan sa Pagudpud, naalarma sa pagdami ng kaso ng Chikunguya

By Dona Dominguez-Cargullo September 09, 2015 - 11:11 AM

ChikungunyaNaalarma na ang lokal na pamahalaan sa Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa tumataas na kaso ng chikungunya sa lugar.

Sa datos ng Provincial Health Office umabot na sa 164 ang naitatalang kasi ng sakit mula noong buwan ng Agosto.

Nagsimula umanong dumami ang naitatalang kaso mula nang makaranas ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Ilocos Norte dahil sa bagyong Ineng.

Sa walong bagong mga pasyente na nakaranas ng sintomas, apat na ang nagpositibo sa chikungunya virus batay sa blood sample na kinuha sa kanila.

Ang sintomas ng chikungunya ay para ring sintomas ng sakit na dengue at nakukuha din ito mula sa kagat ng lamok.

Bagaman hindi kasing delikado ng dengue, kinakailangan ding agad magpagamot ang tinatamaan ng nasabing sakit.

TAGS: chikungunya virus, chikungunya virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.