Biyahe ng MRT, muling nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo, Mark Gene Makalalad September 29, 2017 - 07:53 AM

Maaga na namang nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa abiso ng MRT, pinababa ang mga pasahero sa Kamuning Station southbound alas 6:28 ng umaga.

Itinaas kasi ang category 3 sa status ng biyahe makaraang isang tren ang makaranas ng technical problem.

Samantala, alas 7:34 naman ng umaga nang muli namang magka-aberya sa biyahe ng MRT.

Pinababa ang mga pasahero sa sa Shaw Boulevard station southbound dahil din sa nagkaproblemang tren.

Ang mga pasaherong naapektuhan sa dalawang magkasunod na aberya ay agad din namang pinasakay sa kasunod na tren.

Habang ang mga nagkaproblemang tren ay ibinalik sa depot para makumpuni.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, gma kamuning, MRT, railway, Shaw Boulevard, technical problem, Train, dotr, gma kamuning, MRT, railway, Shaw Boulevard, technical problem, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.