Sulu niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bayan ng Pangutaran sa lalawigan ng Sulu.

Naganap ang lindol alas 12:53 ng madaling araw ng Biyernes (Sept. 29) at naitala sa 43 kilometers South sa karagatang sakop ng Pangutaran.

May lalim lang na 14 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Samantala, alas 4:50 naman ng umaga nang maganap ang magnitude 3.0 na lindol sa 6 kilometers north ng Batuan, Masbate.

Kapwa hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...