Dating mayor sa Lanao del Sur, pumalag sa drug matrix ni Duterte

By Kabie Aenlle September 29, 2017 - 12:08 AM

 

Umapela ang isang dating alkalde sa Lanao del Sur kay Pangulong Rodrigo Duterte na beripikahing maigi ang hawak niyang bagong matrix ng mga umano’y drug lords at narcopoliticians na sumusuporta sa Maute Group.

Pinasinungalingan kasi ni dating Mayor Muhammadali Abinal ng bayan ng Marantao ang pagkakasangkot niya sa nasabing matrix.

Giit ni Abinal, ang mga gumawa ng naturang matrix ay pawang mga lokal na pulitiko na nais pabagsakin ang kanilang mga kalaban.

Aniya pa, pinababagsak talaga ng mga pulitikong taga-suporta ng mga terorista ang mga taga-suporta naman ng pangulo sa laban nito kontra iligal na droga.

Kaisa pa aniya siya sa mga kumalaban sa mga miyembro ng Maute Group nang subukan nilang kubkubin ang munisipyo noong Agosto.

Dagdag pa ni Abinal, malabo ring mangyari na isa siya sa mga nagpopondo sa mga terorista dahil siya ang pinakamahirap sa lahat ng mga lokal na opisyal sa Lanao.

Ang pangalan kasi ni Abinal ang nasa pinaka-tuktok ng bagong matrix na inilabas ni Pangulong Duterte kung saan isinalarawan kung paano magkakaugnay ang mga drug dealers, drug lords at mga pulitiko na umano’y nagbibigay ng pondo sa mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.