Dalagitang estudyante, tumalon sa gusali sa Cebu

 

Tumalon mula sa ika-pitong palapag ng gusali ng kolehiyo ang isang senior high school student sa Barangay Kalubihan, Cebu City.

Isinugod sa ospital ang 17-anyos na estudyante matapos lumagapak sa sahig.

Gayunman, sa kasamaang palad ay idineklara din siyang patay ng mga doktor.

Ayon sa hepe ng Carbon police na si Chief Insp. Jacinto Mandal, may pinagdadaanan umanong mga problema sa pamilya ang dalagitang estudyante.

Bagaman sa tingin nila ay suicide talaga ang nangyari, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pangyayari.

Read more...