Visa-free travel tungong Taiwan para sa mga Pinoy, aprubado na

 

Maari nang pumasyal sa Taiwan ang mga Pinoy kahit wala nang visa.

Ito’y makaraang aprubahan na ng gobyerno ng Taiwan ang visa-free travel privilege para sa mga Pilipinong nais na magpunta ng naturang bansa upang mamasyal.

Ang hakbang ng Taiwan government ay bahagi ng New Southbound Policy na nagpapaluwag ng mga rekisitos para sa visa sa sampung member-states ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Ayon sa Taiwan Ministry of Foreign Affairs, inaasahang magsisimula ang pribilehiyo para sa mga Pinoy ngayong papasok na buwan ng Oktubre.

Sa ilalim ng plano, maari nang mag-apply para sa entry visa ng libre sa pamamagitan ng online application ang sinuman na nais na magtungo sa Taiwan.

Read more...