Pulis na namaril ng kapwa pulis dahil sa toothpick, sumuko na

By Justinne Punsalang September 29, 2017 - 04:09 AM

 

Matapos sampahan ng kasong administratibo sa NAPOLCOM at kasong kriminal naman sa Caloocan Regional Trial Court, sumuko na si PO2 John Paul Dela Fuente sa Manila Police District Station 1.

Si Dela Fuente ang pulis-Maynila na nakabarilan ni SPO2 Romel Bautista ng Caloocan matapos makaaway ang kasama ni Bautista dahil sa isang toothpick sa isang canteen sa lungsod ng Caloocan.

Ang pagsuko ni Dela Fuente ay kinumpirma ni Major Illustre Mendoza.

Ayon kay Mendoza, kakasuhan rin ng perjury ang isang babaeng sinasabing witness sa insidente dahil sa paggawa umano nito ng kwento tungkol sa nangyari na pabor kay Dela Fuente.

Kakasuhan rin ang station commander ni Dela Fuente sa Sta. Ana, Maynila na si Superintendent Jerry Corpuz dahil sa pagkakanlong kay Dela Fuente nang ito ay dapat aarestuhin na ng Caloocan Police.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.