AMLC, itinanggi nagbigay ng impormasyon sa Ombudsman sa umanoy bank accounts ni Pangulong Duterte

By Rod Lagusad September 28, 2017 - 09:49 PM

Itinanggi ng Anti Money Laundering Council (AMLC) na nagbigay sila ng kahit anong impormasyon sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umanoy bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi rin anila sa kanila nagmula ang mga dokumento at impormasyon na kasama sa inihaing reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na siya ay nakatanggap ng report mula sa AMLC na umanoy bank accounts ni Duterte.

Ayon sa AMLC Secretariat ay natanggap nito noong September 6, 2017 ang liham ni Carandang na may petsang August 17, 2017 na humihiling na imbestigahan ang mga nasabing bank accounts.

Anila kasalukuyang sumasailalim sa evaluation ang nasabing request.

Ang pag-imbestiga at ang paglabas ng ulat patungkol dito ay nakadepende sa resulta ng evaluation.

Kaugnay nito, hindi na muna magbibigay ng komento ang AMLC dahil sa pagiging confidential ng nasabing usapin.

Una ng nagbigay ng babala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi dapat nagbibigay si Carandang ng detalye kaugnay ng isang ongoing investigation dahil maaring maharap ito sa admistrative case.

TAGS: anti money laundering council, Antonio Trillanes IV, Arthur Carandang, ombudsman, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, anti money laundering council, Antonio Trillanes IV, Arthur Carandang, ombudsman, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.