MPD hindi nagpabaya sa kaso laban kay John Paul Solano

By Jan Escosio September 28, 2017 - 09:28 PM

Naninindigan ang Manila Police District na ginawa nila ang lahat ng legal na pamamaraan sa pagsasampa ng mga kaso laban kay John Paul Solano.

Ngunit sinabi ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na wala na silang magagawa kung ang nagdesisyon ang DOJ na palayain pansamantala si Solano.

Nauna na rin nilinaw ni Prosecutor General George Catalan na ang pagpapalaya kay Solano ay hindi nangangahulugan na absuwelto na ito sa pagpatay kay UST Law student Horacio Castillo III.

Nagtakda ang DOJ ng preliminary investigation para kay Solano sa darating na Oktubre 4 at 9.

Pangungunahan na rin ni Asst. State Prosecutor Susan Villanueva ang 3-member panel na magsasagawa ng preliminary investigation.

TAGS: Asst. State Prosecutor Susan Villanueva, Horacio Castillo III, John Paul Solano, Manila Police District, MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, Prosecutor General George Catalan, Asst. State Prosecutor Susan Villanueva, Horacio Castillo III, John Paul Solano, Manila Police District, MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, Prosecutor General George Catalan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.