90% assessment unit heads ng BOC, sisibakin sa pwesto

Sisibakin sa pwesto ni Bureau of Custions Commissioner Isidro Lapeña ang 90% ng mga pinuno ng assessment units sa lahat ng pantalan sa bansa.

Layunin ng hakbang na ito na buwagin ang ‘tara’ system o ang suhulan sa kawanihan.

Ayon kay Lapeña, madalas nangyayari ang tara sa lebel asessors at examiners.

Paliwanag niya, una niyang sisibakin sa pwesto ang mga hepe ng sections na tukoy na, gaya ng mga nag-benchmark.

Ani Lapeña, iimbestigahan ang mga ito dahil posibleng nag-benchmark ito dahil sa tara.

Ang benchmarking ay nangangahulugang paglagay ng discretionary value, sa halip na tunay na laman o halaga ng bawat container van na pumapasok sa bansa.

Ayon kay Lapeña, posibleng sa Lunes ay may masisibak na sa pwesto.

Read more...