Sen. Gordon pumalag sa alegasyon ni Sen. Trillanes na ‘reward’ umano ni Pangulong Duterte ang paglagay sa tauhan ni Gordon kapalit ni Martin Diño sa SBMA

By Ruel Perez September 28, 2017 - 05:57 PM

Dumepensa si Senator Richard Gordon sa naging paratang ni Senator Antonio Trillanes na may kinalaman si Gordon sa pagkakasibak sa pwesto ni dating SBMA Chairman Martin Diño.

Sa kapihan sa Senado, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na ang pagtanggal kay Diño sa kapalit nang umanoy tauhan ni Gordon na si Atty. Wilma Eisma ang umanoy reward ng pagtatanggol ni Gordon kay Vice Mayor Paolo Duterte sa ginagawang imbestigasyon kaugnay sa umanoy umiiral na tara system at nakapuslit na 6.4 bilyon pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs

Paliwanag ni Gordon, qualified naman si Eisma kapalit ni Diño at kailangan umano si Eisma sa posisyon base na rin sa malawak nitong karanasan sa mataas na posisyon sa isang multinational company

Giit pa ni Gordon, hindi dapat na idamay pa sa usapin si Eisma para lamang gamitin na ‘bala’ ni Sen. Trillanes laban sa kanya.

Noong Lunes, itinalaga ni Pangulong Duterte si Eisma bilang bagong SBMA Chairperson kapalit ni Diño.

TAGS: antonio trillanes, Atty. Wilma Eisma, Richard Gordon., SBMA Chairman Martin Diño, Vice Mayor Paolo Duterte, antonio trillanes, Atty. Wilma Eisma, Richard Gordon., SBMA Chairman Martin Diño, Vice Mayor Paolo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.