Paggawad ng Quezon Service Cross kay dating Senador Miriam Defensor Santiago, pinaboran ng Palasyo

By Chona Yu September 28, 2017 - 04:48 PM

Inquirer.net Photo

Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang hakbang ni Senador Grace Poe na magawaran ng Quezon Service Cross ang namayapang si Senador Miriam Defensor Santiago.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, welcome sa Palasyo ang naturang hakbang.

Walang duda ayon kay Abella na magawaran ng pagkilala si Santiago dahil hindi matatawaran ang kanyang naiambag sa bansa.

Bukod dito, sinabi ni Abella na mataas ang pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Santiago.

Sa ngayon, sinabi ni Abella na hinihintay na lamang ng Palasyo na makarating sa kanyang hanay ang resolusyon para agad na mai-nomiate ng pangulo si Santiago sa kanyang conferment.

TAGS: Ernesto Abella, grace poe, miriam santiago, Quezon Service Cross, Rodrigo Duterte, Ernesto Abella, grace poe, miriam santiago, Quezon Service Cross, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.