Kasong economic sabotage at graft, isinampa ni Lacson laban kay Faeldon

By Rohanisa Abbas September 28, 2017 - 04:02 PM

Naghain si Senador Ping Lacson ng kasong kasong economic sabotage at graft laban sa nagbitiw na Customs commissioner na si Nicanor Faeldon.

Isinampa ng senador ang reklamo sa Office of the Ombudsman dahil umano sa rice smuggling.

Sinabi ni Lacson na ito ay dahil sa pagpayag umano ni Faeldon na makalusot ang smuggled rice sa Cagayan de Oro City.

Una nang ipinahayag ng senador na magsasampa siya ng kaso laban kay Faeldon sa gitna ng alitan ng dalawa kasunod ng imbestigasyon ng Senado sa 6.4 billion-peso shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs.

TAGS: Bureau of Customs, Nicanor Faeldon, ombudsman, ping lacson, rice smuggling, Bureau of Customs, Nicanor Faeldon, ombudsman, ping lacson, rice smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.