WATCH: John Paul Solano, laya na

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 28, 2017 - 01:50 PM

Jan Escosio

Matapos makulong ng pitong araw, nakalaya na si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Ito ay makaraang ipag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya kay Solano.

Bago tuluyang makalabas ng Manila Police District nagpaunlak pa ng maiksing panayam sa mga mamamahayag si Solano.

Aniya, sa preliminary investigation na isasagawa, sasabihin niya ang lahat ng totoo at lahat ng kaniyang nalalaman.

Patutunayan din umano niya na siya ay inosente sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo.

Ayon kay Atty. Edcel Canlas, isa sa mga abogado ni Solano, bagaman Miyerkules pa nailibas ang release order sa kaniyang kliyente, hindi agad sila nakakuha ng kopya kaya Huwebes na ito napalaya

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Horacio Castillo III, John Paul Solano, Manila Police District, Radyo Inquirer, Horacio Castillo III, John Paul Solano, Manila Police District, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.