WATCH: Holdaper, patay sa engkwentro sa mga pulis sa EDSA

Kuha ni Justinne Punsalang

Patay ang isang hindi pa nakilalang lalaki matapos nitong maka-engkwentro ang mga pulis sa bahagi ng EDSA kanto ng Whiteplains Avenue sa Quezon City.

Ayon sa station commander ng Quezon City Police Station 12 na si Police Superintendent Wilson Delos Santos, isa ang namatay na suspek sa apat na mga holdaper na nagholdap sa isang Mannrose bus na byaheng Fairview.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan ang hindi nakilalang suspek na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Narekober mula dito ang mga hinihinalang kinuha mula sa mga pasahero ng bus na anim na mga smartphones, isang silver necklace, at isang pouch. Nakuha rin ng mga pulis ang gamit nitong baril na isang 9mm pistol.

Samantala, nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan, habang naaresto ng mga pulis ang isa pang holdaper.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

Read more...