WATCH: Frat library ng Aegis Juris, pinasok na ng mga tauhan ng MPD

By Ricky Brozas September 28, 2017 - 12:29 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Pinasok ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang frat library ng Aegis Juris Fraternity sa Laong Laan Street Sampaloc, Maynila.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court, isinagawa ng mga pulis ang pag-halughog sa loob ng pasilidad.

Layo nilang makakalap pa ng dagdag na ebidensya para mas mapagtibay ang mga kasong isinampa na may kaugnayan sa pagkasawi ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Sa nasabing frat library kasi pinaniniwalaang ginawa ang hazing kay Castillo.

Kabilang sa mga target makalap ng MPD ang body fluids, mga buhok, footsteps, finger prints at iba pa na maaaring magamit pata matukoy ang pagkakakilanlan pa ng iba pang suspek.

Simula pa noong Miyerkules, kinurudnan na ng mga tauhan ng MPD ang frat library at magdamag na may mga pulis na nagbantay dito.

TAGS: aegis juris, frat library, Radyo Inquirer, aegis juris, frat library, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.