Huling testigo sa plunder case ni dating Senador Bong Revilla, naiharap na sa Sandiganbayan
Natapos na ang panig ng prosekusyon sa pagpiprisinta ng kanilang mga testigo sa kinahaharap na plunder case ni dating Senador Bong Revilla sa 1st division ng Sandiganbayan.
Isinalang sa witness stand si Imelda Furtugalesa, compliance officer ng Philamlife Insurance.
Sinabi ni Furtugalesa sa korte na apat na insurance policy ang binayaran ng dating senador.
Hinala ng prosekusyon na dito dinala ni Revilla ang kanyang mga kickback sa mula sa pork barrel scandal.
Dagdag pa ng testigo naisumite naman na nila ang mga dokumento ukol sa mga naturang insurance policies sa anti-money laundering council.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.