Playboy founder Hugh Martson Hefner, pumanaw na sa edad na 91

Twitter Photo | @Playboy

Pumanaw na sa edad na 91 ang founder ng Playboy magazine na si Hugh Martson Hefner.

Kinumpirma ang pagpanaw ni Hefner sa twitter account ng Playboy.

Sa statement ng Playboy Enterprises, pumanaw sa kaniyang tahanan si Hefner dahil sa hindi tinukoy na sakit.

Nagsimula sa kaniyang publishing career si Hefner bilang copywriter sa Esquire magazine bago ang mailunsad ang Playboy magazine.

Taong 1953 nang pumatok sa newsstand ang issue ng Playboy magazine tampok ang larawan ni Marilyn Monroe.

 

 

 

 

Read more...