WATCH: Sawa na may habang 15 talampakan, nahuli sa condominium building sa QC

Kuha ni Justinne Punsalang

Tinatayang nasa pagitan ng sampu hanggang labing limang talampakang sawa ang nahuli ng pinagsanib na pwersa ng mga barangay tanod at kapulisan sa Barangay Talipapa, Quezon City.

Ayon kay Barangay Peace and Security Officer Executive Officer Reynato Enriquez, nagroronda sila nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang security guard ng Magnolia Place Condominium tungkol sa isang sawa na nanghu-hunting umano ng pusa.

Siyam na mga tanod at tatlong pulis ang nagtulong-tulong upang mahuli ang sawa na halos ga-hita ng tao ang laki, na hinihinalang nanggaling sa malapit na sapa.

Dadalhin sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center ang nahuling sawa.


 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...