Konsehal sa Jolo, dinukot ng Abu Sayyaf
Dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang konsehal ng Jolo, Sulu.
Naganap ang pagdukot kay Konsehal Ezzedin Tan habang siya ay nagbibisiklete, Miyerkules (Sept. 27) ng hapon sa pagitan ng Barangay Tagbak at Barangay Timbangan sa bayan ng Indanan.
Ayon sa mga kapwa siklista ni Tan na sina Dem Salim at Jasem Gonzales bigla na lamang huminto ang isang kulay pula na Tamaraw at agad isinakay si Tan.
Nakagawian na umano ng grupo ni Tan na mag-bisikleta sa naturang lugar at posibleng na-monitor ng Ajang-Ajang group ng Abu Sayyaf kung saan sila dumadaan.
Sa isang text message sa Radyo Inquirer, kinumpirma ni Brigadier General Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu ang pagdukot kay Tan.
Kasalukuyan aniyang nagsasagawa ng search and rescue operations ang PNP kasama ang task force operatives para mabawi si Tan.
Si Tan ay pinsan ni Sulu Governor Toto Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.