Malisyoso ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS), kung saan 54 percent sa mga Pilipino ang naniniwala na marami sa mga napatay sa war on illegal drugs ng administrasyon ay hindi nanlaban.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mayroong mga pointed o leading questions sa survey na maaaring naging dahilan para maimpluwensiyahan ang sagot ng mga respondents.
Inihalimbawa ni abella ang tanong ng sws sa second quarter na “Marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga ay hindi totoong nanlaban sa pulis” at “Marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga ay hindi naman talaga mga nagtutulak ng droga o pusher.”
Apela ni Abella sa mga survey firm, maging maingat sa paglalatag ng mga tanong sa mga respondents para makuha nito ang pinakamalapit na pagtaya sa pulso ng bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.