Cover-up sa kaso ni Atio Castillo, posible dahil sa polisiya ng frat ayon kay Lacson

By Kabie Aenlle September 28, 2017 - 03:06 AM

Malakas ang pakiramdam ni Sen. Panfilo Lacson na mayroong cover-up na nagaganap sa mga detalye ng pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III dahil sa hazing.

Ayon kay Lacson, halatang-halata ang cover-up dahil ang mga miyembro ng fraternity ay may “omerta” o code of silence na nagti-trigger ng pagtatakip sa mga detalye ng pangyayari.

Matatandaang umamin din si John Paul Solano na isa sa mga persons of interest sa kaso na nagsinungaling siya noong una sa mga pulis tungkol sa kung paano niya natagpuan si Castillo.

Una niya kasing sinabi sa mga pulis na natagpuan lang niya si Castillo na bugbog sarado kaya dinala niya sa Chinese General Hospital.

Ngunit nang lumabas ang impormasyon na miyembro din siya ng Aegis Juris fraternity, inamin na ni Solano na inatasan siya ng mga kasamahan niya na dalhin sa ospital si Castillo at huwag sabihin ang katotohanan tungkol dito.

Dahil dito, mas naniniwala si Lacson na nagkakaroon talaga ng cover-up, lalo na’t sa CGH pa dinala si Castillo sa halip na sa UST Hospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.